News & Updates

Obra ng apat na national artists, tampok sa Dagop Datek Exhibit sa Casa Real

Buo ang suporta ng Provincial Government ng Pangasinan sa sining at kultura, kaya sa pangunguna ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III, binuksan ang Dagop Datek exhibit sa casa real sa Lingayen, Pangasinan.
Ang Dakop-Datek ay salitang Pangasinan na ibigsabihin ay pagtitipon-tipon at kulay na siyang sumasalamin sa mga iskultura at painting na tampok sa exhibit.
Kabilang dito ang mga obra ng apat na National Artists na sinikap ipakita sa publiko ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office.
Dinaluhan ito ng mga art enthusiast kabilang din sila Vice Governor Mark Lambino, Administrator Ely Patague, BM Philip Cruz, Binalonan Mayor Ramon Ronald V. Guico IV at ilan pang lokal na opisyal.
Magtatagal ang Exhibit hanggang Disyembre 2022.

Related News & Updates

24 April 2025
Limgas na Pangasinan at its best under Gov. Guico and wife
24 April 2025
559 provincial employees promoted during Gov. Guico’s first term
15 April 2025
Veteran film makers commend Gov, wife for staging PangaSine,...