The Official Website of the Province of Pangasinan

Tulong pinansyal, ipinamahagi ng Prov’l Gov’t sa mga apektado ng ASF sa Basista

September 15, 2020

Nagpamahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng tulong pinansyal sa 80 hog owners na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa bayan ng Basista ngayong araw, September 15.

Kabilang ito sa mga programa ni Governor Amado I. Espino III na layong tulungang makabangon ang mga Pangasinenseng apektado ng ASF.

“Itong ginagawa po natin ay pinangako ng mahal nating Gobernador na magbigay tulong sa mga naapektuhan ng ASF at nandito po kami para isakatuparan ang kanyang pangako,” sabi ni Assistant Provincial Veterinarian Jovito Tabarejos.

 

Ang 80 recipients mula sa Brgy. Cabeldatan at Dumpay ay makatatanggap ng P1000 para sa bawat baboy na naapektuhan ng ASF, bukod pa ito sa P5000 kada ulo ng baboy na kanilang matatanggap mula sa Regional Office ng Department of Agriculture.

“Hiling lang po namin na kapag natanggap nyo na ang inyong pera ay huwag po muna kayong mag-alaga ng baboy dahil hindi pa tayo sigurado,” paalala ni Provincial Government Consultant Ramon Morden.

Kasama rin sa nasabing programa si Basista Mayor Jolly Resuello.

Nauna ng nakatanggap ng tulong ang mga hog owners na apektado ng ASF sa bayan ng Mangaldan (September 3), Bugallon (September 8) at Lingayen (September 10).

Ang Pamahalaang Panlalawigan ay iikot din sa iba pang bayan upang magbigay tulong sa mga apektado ng ASF katulad ng: Binmaley (September 17), Calasiao (September 22), Malasiqui (September 24), San Carlos City (September 29), Sual (October 1).

/Diane A. Tinambacan (Photos by Carlo Dela Cruz)