The Official Website of the Province of Pangasinan

Tulong para sa mga apektado ng ASF, ipinamahagi sa Lingayen

September 10, 2020

Nagbigay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ng tulong sa 14 hog owners na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa Lingayen ngayong araw, September 10.

Kabilang ito sa mga programa ni Governor Amado I. Espino III na layong tulungang makabangon ang mga Pangasinenseng apektado ng ASF.

Ang mga benepisyaryo mula sa apat na barangay sa Lingayen: Libsong East, Libsong West, Namolan East at Namolan West ay makatatanggap ng P1000 para sa bawat baboy na naapektuhan ng ASF.

Nauna ng nakatanggap ng P5000 ang mga apektado ng ASF mula sa Regional Office ng Department of Agriculture.

Muli namang nagpaalala sina Provincial Government Consultant Ramon Morden at Assistant Provincial Veterinarian Jovito Tabarejos na iwasan muna ang pag-aalaga ng baboy at gamitin na lamang ang natanggap na ayuda sa ibang negosyo.

Kasama rin sa nasabing programa si Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil.

Nauna ng nakatanggap ng tulong ang mga hog owners na apektado ng ASF sa bayan ng Mangaldan (September 3) at Bugallon (September 8).

Ang Pamahalaang Panlalawigan ay iikot din sa iba pang bayan upang magbigay tulong sa mga apektado ng ASF katulad ng: Basista (September 15), Binmaley (September 17), Calasiao (September 22), Malasiqui (September 24), San Carlos City (September 29), Sual (October 1).

/Diane A. Tinambacan (Photos by Carlo Dela Cruz)