The Official Website of the Province of Pangasinan

Prov’l Gov’t at Concentrix, isasagawa ang second leg of FUSION 2020

September 16, 2020

Hatid ng Pamahalaang Panlalawigan at Concentrix ang second leg of FUSION 2020: The Pangasinan Provincial Virtual Job Fest and Career Webinar bukas, September 17 na naglalayong makapagbigay ng trabaho sa mga Pangasinense sa kabila ng pandemya.

Ang Concentrix ang pinakamalaking Business Process Outsourcing (BPO) company sa bansa.

“Makakapag-trabaho sila sa kanilang bahay since work-at-home arrangement ito na napapanahon kasi alam naman natin na pandemic ngayon hindi sila pwedeng lumabas ng bahay at pumunta sa ibang lugar,” sabi ni Richelle Raguindin ng Provincial Employment Services Office.

Ang naturang kompanya ay naghahanap ng Customer Service Representative at Technical Support Representative partikular na ang mga sumusunod: 100 Male and 100 Female, 18 years old above, At least Senior High School Graduate, and with good communication skills.

Nasa 1000 ang target participants ng naturang job fest kung saan mayroon ng 888 registered applicants (as of Tuesday). Maari pang makapagrehistro online ang mga interesadong aplikante hanggang alas-sais ngayong gabi.

Magsisimula ang online Job Fest sa Career Webinar na dadaluhan ng lahat ng aplikante bago sila tumungo sa initial interview room.
Ang mga aplikanteng matatangap ay maaring kumita ng higit pa sa P20,000 pesos habang sila ay nasa bahay.

Matatandaang ginanap ang first leg of FUSION 2020 noong February kung saan 28 na aplikante ang natanggap sa Concentrix.

/Diane A. Tinambacan