The Official Website of the Province of Pangasinan

5th Rice Award, tinanggap ng Prov’l Gov’t of Pangasinan

September 16, 2020

Tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Governor Amado I. Espino III ang parangal bilang Outstanding Province in the National Rice Award mula sa Department of Agriculture (DA) ngayong araw, September 16.

Ito ang pang-limang Rice Achievers Award na iginawad ng DA sa lalawigan kung saan nagbigay sila ng P4-million cash incentives na gagamitin sa mga rice related projects ng lalawigan.

“Pinapatunayan lamang ng award na ito na tama ang tinatahak na direksyon ng provincial government sa pamumuno ni Governor Espino,” sabi ni Provincial Agriculturist Dalisay Moya.

Ang Rice Achievers Award ay nagsimula noong 2011, sa ilalim ng National Rice Program of DA na layong magbigay parangal sa mga local government units, irrigators association, agricultural extension workers para sa kanilang natatanging kontribusyon sa rice sector ng bansa.

Maliban sa Pangasinan, ang Ilocos Norte lamang ang nakatanggap ng parehong parangal sa Region 1.

“Ito ay nagbibigay ng inspirasyon sa atin na lalong pag-ibayuhin ang ating serbisyo sa mamamayan lalo na sa farming sector,” dagdag ni Moya.

Matatandaang nakatanggap na rin ang lalawigan ng parehong parangal noong 2012, 2013, 2014 at 2016.

/Diane A. Tinambacan (Photos by Meinard V. Sadim)